Caloocan City — Umabot sa Php1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang drug pusher sa buy-bust operation ng Northern Police District nito lamang Linggo, Abril 23, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng NPD, ang mga suspek na sina alyas “Baste” (HVI), 33; alyas “Kadi” (HVI), 33, pawang mga residente ng Brgy. 188, Tala, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, naganap ang operasyon ng District Drug Enforcement Unit ng NPD dakong 10:30 ng gabi sa kahabaan ng Asco Ville Road corner NHA Road, Purok 7, Brgy. 185, sa Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa.
Narekober sa mga suspek ang isang pirasong large size heat-sealed at isang knot-tied
transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 200 gramo na may Standard Drug Price (SDP) na Php1,360,000; isang tunay na Php1,000 na may kasamang 49 piraso ng Php1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money; at isang unit color red Toyota Innova model 2015 bearing with plate no. UQQ 366.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ng yunit na ito ay sa pamamagitan ng paggabay at suporta ni DD, NPD upang maiwasan ang paglaganap ng ilegal na droga at mga masamang epekto nito.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos