Saturday, November 30, 2024

Php1.3M halaga ng Shabu nakumpisa sa buy-bust operation sa Cotabato City

Cotabato City – Nakumpiska ang Php1,360,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng PNP sa Diversion Rd. Poblacion 8, Cotabato City noong Agosto 1, 2022.

Kinilala ni PCpt Michael Yap, Station Commander, Cotabato City Police Station 2, ang mga naarestong suspek na sina Dhatz Kadianda Mastura, 33, at Telong Adam Odin, 49, na kapwa residente ng Brgy. Bulalo Sultan Kudarat, Maguindanao.

Si Dhatz Mastura ay kasalukuyang may Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa RA 10591, RA 9516 at frustrated murder.

Napadali ang operasyon dahil sa pinagsanib na puwersa ng PDEA BARMM, PNP-Maguindanao Maritime Group, 99th Infantry Battalion Philippine Army, Task Force Kutawato, Sultan Kudarat Municipal Police Station, NBI BARMM, CCPO-CPDEU, at CCPO-P2.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na pakete ng shabu na may timbang na 200 gramo at may tinatayang halaga na Php1,360,000.

Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang buy-bust money na ginamit, isang yunit ng mobile phone, isang yunit ng black Honda Beat motorcycle, isang yunit ng violet Yamaha Mio 125 motorcycle, isang wallet, at mga Identification cards.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang PNP at ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi titigil para sugpuin ang ilegal na droga sa bansa bagkus ay paiigtingin pa lalo ang kampanya laban dito.

###

Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles