Nasakote ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Bacolod City Police Office ang tinatayang Php1,394,000 halaga ng shabu sa isang High Value Individual sa Purok San Jose 2, Barangay Sum-ag, Bacolod City, bandang 12:56 ng madaling araw nito lamang Oktubre 8, 2024.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Lando”, residente ng nasabing lugar at itinuring na isang High Value Individual (HVI) ng kapulisan sa Bacolod City.
Narekober sa pangangalaga ng suspek ang 205 gramo ng hinihinalang shabu na may halaga na tinatayang Php1,394,000.
Ang suspek ay ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ipinahayag ni PCol Joeresty P Coronica, City Director ng BCPO, ang kanyang pangako na palakasin ang mga operasyon ng kapulisan sa Bacolod City at makikipag-ugnayan sa iba pang ahensya upang labanan ang problema sa droga.
Ang pagkakahuli sa suspek ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng Bacolod City Police Office sa pagsugpo sa ilegal na droga sa kanilang lungsod, at isa din itong patunay ng kanilang pagsisikap na lumikha ng mas ligtas at mas maayos na kapaligiran para sa buong rehiyon.
Source: PIO BCPO
Panulat ni Pat Ledilyn Bansagon