Tagbilaran City, Bohol – Nakumpiska ang tinatayang Php1.36 milyong halaga ng shabu sa isang arestadong High Value Individual sa buy-bust operation ng Tagbilaran PNP nito lamang umaga ng Sabado, ika-21 ng Mayo 2022.
Kinilala ng Chief of Police ng Tagbilaran City Police Station, Police Lieutenant Colonel Crystal Bunao Peralta, ang naarestong suspek na si Jaime Gumba, 42, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Peralta, si Gumba ay kabilang sa watchlist ng High-Value Individual ng nasabing lungsod.
Ayon pa kay Police Lieutenant Colonel Peralta, naaresto ang suspek bandang 1:50 ng madaling araw sa Barangay San Isidro, Tagbilaran City ng mga miyembro ng City Drug Enforcement Team ng Tagbilaran City Police Station.
Dagdag pa ni Police Lieutenant Colonel Peralta, nakuha mula sa suspek ang tinatayang 200 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php1,360,000, isang Nike Blue Sling Bag, isang unit ng Samsung Cellphone, Yamaha Meo Sol Motorcycle, at buy-bust money.
Nahaharap ang naturang suspek sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay muling patunay sa epektibong pamamaraan ng PNP upang pigilan at tuldukan ang problema sa ilegal na droga sa lungsod.
###