Mandaue City, Cebu – Arestado ang isang 26 anyos na lalake sa Mandaue City matapos makuhanan ng nasa Php1.36 milyon na halaga ng shabu sa ikinasa na buy-bust operation ng PNP nito lamang Martes, Nobyembre 29, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jeffrey Caballes, City Director, ang naaresto na si alyas “Niven”, residente ng Lower Carreta, Cebu City, at kabilang sa talaan ng High Value Individual ng naturang lungsod.
Ayon kay Police Colonel Caballes, naaresto ang suspek pasado ala-1 ng madaling araw sa Barangay Subangdaku, Mandaue City, Cebu ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), Mandaue City Police Office (MCPO).
Ayon pa kay Police Colonel Caballes, nakumpiska mula sa suspek ang nasa 200 gramo ng shabu na may karaniwang halaga na umabot sa Php1,360,000, isang gray pouch, at buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Siniguro ng MCPO na hindi sila titigil sa pagpapatupad ng kanilang mandato lalo na higit sa kanilang hakbangin upang wakasan ang problema sa ilegal na droga sa lungsod at maging sa iba’t ibang uri ng kriminalidad para sa kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan ng mamamayan.