Tinatayang Php1,229,400 halaga ng smuggled cigarettes ang nakumpiska sa dalawang indibidwal sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nito lamang ika-7 ng Enero 2024 sa Ozamiz City, Misamis Occidental.
Kinilala ni Police Major Dennis P Tano, Deputy Force Commander ng Misamis Occidental 2nd Provincial Mobile Force Company, ang dalawang suspek na sina alyas “Tope”, 29 anyos at alyas “Berto”, 30 anyos, parehong residente ng Barangay Baliwasan, Zamboanga City.
Sa operasyon ay nakumpiska ang 2,049 reams ng iba’t ibang brand ng smuggled cigarettes na nasa loob ng isang Van na nagkakahalaga ng Php1,229,400.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10643 o “The Graphic Health Warning Law” habang patuloy ang panawagan ng PNP sa kooperasyon at tulong ng mamamayan upang matigil ang iligal na aktibidad sa ating pamayanan.