Tupi, South Cotabato – Tinatayang Php1,200,000 ang halaga ng binunot na marijuana sa bulubunduking bahagi ng Sitio Benigno, Barangay Miasong, Tupi, South Cotabato malapit sa boundary ng Davao Del Sur at Sarangani Province nito lamang ika-13 ng Oktubre 2022.
Ayon sa otoridad, ang binunot na ilegal na halaman ay sa paglilinang ni alyas Erik Doremon, residente ng Brgy. Pula Bato, Tampakan, South Cotabato na wala sa lugar ng taniman noong oras ng nasabing operasyon.
Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan mula sa Tupi Municipal Police Station katuwang ang Regional Intelligence Division (RID) 12, PNP Provincial Drug Enforcement Group (PNP PDEG), Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 12, Provincial Drug Enforcement Unit; South Cotabato Provincial Intelligence Unit (SCPIU); at 1205th Maneuver Company-RMFB 12, 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company (SCPMFC).
Agad sinunog ang mga halamang marijuana sa lugar katuwang ang PDEA 12, na sinaksihan ng mga kinatawan ng media at mga halal na opisyal ng nabanggit na munisipyo.
Samantala, nag-spray ng herbicide sa nasabing plantasyon para maiwasan at sirain ang pagsibol ng mga buto
Ang operasyon ay bunga ng patuloy na pagpapaigting ng PNP sa kampanya kontra ilegal na droga at mga kriminalidad at hikayatin ang mga mamamayan na makiisa at makipagtulungan sa pagkamit ng katahimikan at pag-unlad ng buong rehiyon.
Panulat ni Patrolman Jerrald Gallardo