Tinatayang Php1,280,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre sa isinagawang marijuana eradication ng mga awtoridad sa Sitio Talo-an, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-19 ng Enero 2024.
Naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Kibungan Municipal Police Station (MPS), kasama ang PDEU/PIU, Benguet Provincial Police Office (PPO), RID PRO Cordillera, PDEA-CAR, at mga opisyal ng Brgy. Tacadang.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 1,600 square meter at may tanim na 6,400 pirasong fully grown na halamang marijuana na nagkakahalaga ng tinatayang na Php1,280,000.
Bagama’t walang nahuling cultivator, binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nasabing marijuana sa mismong lugar.
Ang determinadong aksyon ng collaborative task force ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa paglaban sa ilegal na gawain ng droga sa rehiyon.
Panulat ni Patrolwoman Jeslie Sabado