Tinatayang Php1,200,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga operatiba sa Barangay Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika- 23 ng Marso 2025.
Ayon kay Police Colonel James Mangili, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Tinglaya MPS katuwang ang Provincial Drug Enforcement Agency, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, Kalinga Provincial Office, 1503rd MC, RMFB 15 at PDEA Kalinga Provincial Intelligence Unit Benguet Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency – Cordillera.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng tinatayang 6000 na gramo ng Fully Grown Marijuana Plants at may Standard Drug Price na Php1,200,000.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Mangili ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at patuloy ang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para maging illegal drug free ang ating bansa.
Panulat ni Pat Charlyn Rose Gumangan