Tinatayang Php1,200,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga otoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-16 ng Oktubre 2024.
Ayon kay Police Colonel Gilbert Fati-ig, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company katuwang ang Tinglayan Municipal Police Station, Lubuagan Municipal Police Station, Pasil Municipal Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency – Kalinga, at Provincial Drug Enforcement Unit / Provincial Intelligence Unit Kalinga Police Provincial Office.
Nagresulta ang operasyon sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana sa isang communal forest na may tinatayang sukat na 400 square meter na may tanim na humigit kumulang 6,000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php1,200,000 Standard Drug Price.
Bagamat walang nahuling cultivator, binunot at sinunog ng mga operatiba ang pinagbabawal na tanim sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyon ng Kalinga PNP ay patunay na kaisa ang Pambansang Pulisya sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.