Benguet – Tinatayang nasa Php1,290,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga tauhan ng Benguet 1st Provincial Mobile Force Company sa tatlong plantasyon ng marijuana sa Sitio Balbalnag, Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet nito lamang Linggo, Abril 30, 2023.
Sa unang plantasyon ay nadiskubre ang 450 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng Php90,000.
Habang, sa pangalawang plantasyon naman ay nadiskubre ang 300 sqm land na may 3,000 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng Php600,000.
Samantala, sa pangatlong plantasyon ay nadiskubre ang 300 qm land na may 3,000 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng Php600,000.
Sa kabuuan, 6,450 piraso ng FGMP na may SDP na Php1,290,000 ang binunot at sinunog ng mga operatiba sa nasabing operasyon.
Samantala, wala namang nahuli na marijuana cultivator sa nasabing lugar ng operasyon.
Ang Benguet PNP katuwang ang ibang sangay na ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga para sa kaayusan at ligtas na pamumuhay sa buong probinsya.