Benguet – Tinatayang Php1,270,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre at napuksa ng mga tauhan ng Kibungan Municipal Police Station sa Sitio Binay-od, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang Huwebes, Disyembre 22, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Efren Anapen, Acting Chief of Police ng Kibungan MPS, nadiskubre ng mga operatiba ang unang plantasyon ng marijuana na may 100 sqm communal forest ng nasabing lugar na may tinatayang 800 fully grown marijuana na may Standard Drug Price na Php1,270,000.
Dagdag pa ni PLt Anapen, walang naitalang cultivator ang naaresto sa operasyon subalit patuloy ang imbestigasyon ng himpilan ng Kibungan MPS upang matukoy ang mga nagtanim sa ipanagbabawal na halaman.
Samantala, hinimok ni PLt Anapen ang mga residente na makiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga upang mas mapabilis na mahuli ang mga sangkot sa pagtatanim ng ilegal na halaman sa kanilang nasasakupan.
Source: Kibungan Municipal Police Station