Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit Php1.1 milyong halaga ng shabu sa anim na mga indibidwal sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok 14 Barangay Poblacion, Tupi, South Cotabato nito lamang ika-8 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Major Rovi Jardenil, Officer-In-Charge ng Tupi Municipal Police Station, ang anim na suspek na sina alyas “Nonoy”, 43, residente ng Purok Malipayon, Barangay Apopong, General Santos City; alyas “Erick”, 34 anyos, residente ng Barangay Apopong, General Santos City; alyas “Cris”, 26 anyos, residente ng Barangay Apopong, General Santos City; alyas “ Abdul”, 34 anyos, residente ng Barangay Sinawal, General Santos City; alyas “Don-don”, 24 anyos, residente ng Barangay Banulen, Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao at alyas “Dagol”, 14 anyos, residente ng Dalican Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Bandang 8:50 ng gabi nang ikinasa ang drug-buy-bust operation ng mga tauhan ng Tupi Municipal Police Station kasana ang RPDEU 12, PDEG-SOU 12 at RID 12 na nagresulta ng pagkadakip ng mga suspek at nakumpiska ang 15 na sachets ng hinihinalaang shabu na may kabuuang timbang na 170 gramo at may Standard Drug Price na Php1,156, 000, Toyota Vios at iba pang non-drug evidence.
Samantala, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyong ito ay bunga ng pagsisikap ng PNP na sugpuin ang ilegal na droga. Hindi titigil ang kapulisan hanggat hindi magiging drug-free ang isang komunidad.