Rizal – Nakumpiska ang tinatayang Php1.02 milyong halaga ng shabu sa maglive-in partner na tulak ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng Rodriguez Municipal Drug Enforcement Team sa Dike 2, Brgy., Balite, Rodriguez, Rizal, dakong 10:45 ng gabi ng Enero 30, 2024.
Ayon sa ulat, nagresulta ang pagkakahuli sa mga suspek matapos magbenta ang mga ito ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Ang mga naaresto ay kinilala na sina Alyas “Karyo”, 43 anyos at alyas “Evelyn”, 34 anyos, pawang residente ng Rodriguez, Rizal.
Narekober mula sa mga suspek ang 10 pakete at isang nakataling ice bag na may laman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit kumulang 150 gramo na nagkakahalaga ng Php1,020,000, dalawang piraso ng Php1,000 bill (buy-bust money), tatlong pirasong Php1,000 bill (boodle money), walong piraso ng Php100 bill (confiscated money), at dalawang pouch.
Samantala, nahaharap sa reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
“Ang matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek ay bunga ng masigasig na kampanya ng Rizal PNP laban sa lahat ng uri ng kriminalidad”, pahayg ni Police Colonel Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office.
Source: Rizal Police Provincial Office-PIO
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales