Thursday, January 16, 2025

PGen Marbil, itinalaga bilang 30th PNP Chief

Mainit ang naging pagsalubong ng buong hanay ng Pambansang Pulisya sa bagong talaga na PNP Chief na si Police General Rommel Francisco D Marbil sa idinaos na Change of Command Ceremony na ginanap sa PNP Transformation Oval, National Headquarters, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nito lamang umaga, ika-1 ng Abril 2024.

Personal na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtalaga kay PGen Marbil bilang ika-30 na Ama ng Pambansang Pulisya kasunod ng compulsory retirement ni Outgoing PNP Chief, Police General Benjamin C Acorda Jr.
Sa kanyang Inaugural Speech, buong loob na tinanggap ni PGen Marbil ang katungkulan at responsibilidad bilang bagong Hepe ng Pambansang Pulisya tungo sa katuparan ng hangarin at pangarap ng bawat Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.

“As the 30th Chief of [the] PNP, I intend to build on the strides made so far, to ensure that there is both continuity and improvement—that [the] PNP remains effective at its job while evolving to become a modern Filipino police force for a modern Filipino society,” saad ni PGen Marbil.

Nabanggit din ni PGen Marbil ang tatlong bagay na dapat tutukan at isaalang-alang ng himpilan para sa ikaaayos at ikauunlad nito: ang Quality, Capability at Community Satisfaction.

Tinalakay rin niya ang kahalagahan ng modernisasyon at ang pagiging technology-driven ng PNP partikular na sa pagpapatupad nito ng Secured, Mobile, Artificial Intelligence-Driven, and Real- time (S.M.A.R.T.) Policing at ng ICT Development Road Map sa bawat operasyon.

Samantala, binigyang pugay naman ni Pangulong Marcos si Outgoing PNP Chief, PGen Acorda sa katangi-tangi nitong mga nagawa hindi lamang sa PNP kundi sa buong bansa. Binigyang diin pa ng Pangulo ang matagumpay na kampanya ng PNP sa ilalim ng kanyang panunungkulan sa pamamagitan ng Five Focused Agenda nito, kung saan itinanghal ang himpilan bilang ikatlong may pinakamataas na performance rating at most trusted na ahensya ng pamahalaan sa buong bansa.

Si PGen Marbil ay miyembro ng PMA Sambisig Class ng 1991 at bago maging PNP Chief ay naglingkod siya sa iba’t ibang mahahalagang posisyon sa loob ng organisasyon gaya ng Director of the Directorate for Comptrollership, Regional Director ng PRO 8, Director ng Highway Patrol Group at Civil Security Group, Special Action Force, Presidential Protection Security Group, Agusan Del Norte Police Provincial Office, at Bacoor City Police Station.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles