Bumisita ang pinakamataas na opisyal ng Philippine National Police na si Police General Rommel Francisco D Marbil sa Police Regional Office (PRO) 13 at pinangunahan ang Groundbreaking Ceremony ng PRO 13 Multi-Purpose Building na ginanap sa Camp Col Rafael C Rodriguez, Butuan City nito lamang Hulyo 31, 2024.

Nagkaroon din ng “Talk to Men” ang Chief PNP at nakiisa sa pagbibigay ng basbas sa bagong Wall Cladding and Glass Works ng Agusan del Norte Police Provincial Office building at ang Groundbreaking Ceremony ng PRO 13 Multi-Purpose Building (covered court with bleachers).
Dumalo rin si CPNP sa Concelebrated Fiesta Mass sa PRO 13 Chapel bilang parangal kay Saint Ignatius de Loyola, patron ng mga sundalo.
Dumalo rin sina Hon. Enrico B. Corvera, Vice-Governor, Agusan del Norte, kinatawan ni Hon. Maria Angelica Rosedell M. Amante; at si Atty. William Christian P. dela Cruz, Congressional District Head, na kinatawan din ni Hon. Jose “Joboy” S. Aquino II, kinatawan ng Agusan del Norte, 1st District.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PGen Marbil ang mahalagang papel ng isang pinuno sa isang organisasyon.
Binigyang-diin din nya ang responsibilidad ng bawat pinuno na pagsilbihan at protektahan ang kanyang mga tauhan habang sila ay naglilingkod at nagpoprotekta sa mga tao.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin