Pinapurihan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga kapulisan sa Northern Luzon at iba pang bahagi ng bansa dahil sa kanilang maagap na pagtulong at pagresponde sa mga residente sa lugar na apektado ng bagyong Maring.
Nakaranas ng matinding pagbaha at landslides ang ilang probinsya sa Northern Luzon kung kaya’t nagsagawa ng search and rescue operation at iba pang disaster response operations ang mga kapulisan.
āThey also have their own families to attend to but the fact that they were visible during the disaster response with the LGU personnel only manifests their dedication to help. Ito ang tunay na kahulugan ng police service na patuloy nating itinatanim sa puso at isipan ng ating mga kapulisan,ā wika ni PGen Eleazar.
Bago pa man pumasok sa Philippine Area of Responsibility, ipinag-utos na ni PNP Chief sa lahat ng unit commanders ang maagang paghahanda lalo na sa mga lugar na dadaanan ng bagyong Maring.
āSa kabila ng babala ay marami pa rin sa ating mga kababayan ang naipit sa baha at nauunawaan natin ito dahil hindi naman talaga inaasahan na maapektuhan ang kanilang mga lugar at meron ding agam-agam ang ating mga kababayan sa paglikas dahil sa takot na mahawa ng coronavirus. Kaya naman kasama ito sa pagpaplano noong magpalabas ako ng direktiba na maghanda ng maaga sa epekto ng bagyong Maring,ā ani PGen Eleazar.
Patuloy pa rin ang isinasagawang road-clearing operations ng PNP sa mga lugar na nasalanta ng bagyo at relief operations para naman sa mga apektadong residente.
#####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche