Camp Crame, Quezon City- Tagumpay na idinaos ang Fellowship dinner para sa ibat ibang awardees ng Metrobank Foundation Inc. (MBFI) nitong Martes, Abril 26,2022, sa PNP Multipurpose Center, National Headquarters, Camp Crame, Quezon City.
Pinangunahan mismo ni Philippine National Police Chief, Police General Dionardo B Carlos, ang naturang selebrasyon na mainit na tinanggap ang lahat ng mga dumalo at nakiisa sa makabuluhang pagtitipon. Si CPNP ay nakatanggap ng dalawang parangal sa MBFI bilang COPS 2009 awardee and ACES 2014 awardee.
Ang Metrobank Foundation Incorporated ay kaunang nagbibigay parangal sa lahat ng mga Pilipinong mayroong katangi-tanging kontribusyon sa komunidad habang sila ay nanunungkulan bilang mga public servants, partikular na sa mga guro, sundalo at sa mga kapulisan. Â
Kabilang sa pinakabagong pinarangalan ng Metrobank Foundation Outstanding Filipino Police Officers sina (1) Police Senior Master Sergeant Mary Joy B. Ylanan, Police Community Relations PNCO, ng Bogo City Police Station; (2) Police Lieutenant Colonel Gerard Ace J. Pelare, Chief of Police ng Talisay City Police Station; at (3) Police Lieutenant Colonel Jonathan P. Pablito, Assistant Chief, Regional Police Strategy Management Unit, ng Police Regional Office 6.
Kasama sa mga dumalo sa naturang selebrasyon sina Undersecretary Gilberto DC Cruz ng Dangerous Drugs Board and President, Police Officers Responsible for Organizing, Transforming, and Empowering Communities (PROTECT); si Mr. Aniceto M Sobrepeña, President, Metrobank Foundation Inc.; at iilang personalidad gaya ni Mr. Michael Ryan T Dela Cruz, President, Rotary Club of New Manila East; Mr. Jose Vicente L Alde, President, Philippine Savings Bank at ng iba pang dating mga awardees ng parehong parangal.
Samantala pinasalamatan naman ni PGen Carlos ang lahat ng bumubuo ng Metrobank Foundation Incorporated, at hinimok ang buong hanay ng kapulisan na gawin ang sinumpaang tungkulin sa bayan at sa mamamayan sa abot ng kanilang makakaya. Bilang isa sa mga pinarangalan nito, hinikayat niya rin ang lahat na maging katangi-tangi sa bawat gawain o sa anumang responsibilidad na ibibigay sa kanila, at gaya ng mga pinarangalan, kailangan isapuso ang serbisyo publiko.