Taos-pusong nagbigay pasasalamat ang ina ni Riza Onggao sa natanggap ng kanyang anak na wheelchair mula sa mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Team (R-PSB) Laak Cluster 12 at 18 nitong Nobyembre 26, 2021.
Si Riza ay 15 taong gulang, isang Person with Disability (PWD) na dumaranas ng Orthopedic Disability mula sa Brgy. Longanapan, Laak, Davao de Oro.
Ang paghahandog tulong na ito ay sa ilalim ng programa ng R-PSB Team Laak na “Kapwa Mo, Tulungan Mo” na pinamumunuan ni PLt Mark Glyceryl Amor G Garcia, kasama ang mga tauhan ng Brgy. Longanapan, at Sanguniang Bayan ng Laak.
Layunin ng programang ito ang direktang pagkakaloob ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga PWD.
Ayon kay PLt Garcia, malaking tulong ito para kay Riza upang kahit papaano ay mapagaan ang kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Maliban dito, ang pamilya ni Riza ay nakatanggap din ng food packs mula sa R-PSB Laak Cluster 12 at 18. Ang programang ito ay isa lamang sa mga aktibidad ng PNP na naglalayon na tulungan ang mga tao sa Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDAs) lalo na ang mga may kapansanan.
#####
Panulat ni: Police Corporal Mary Metche A Moraera
Salamat sa ating mga kapulisan sa malasakit at pagaalaga sa mamayan. Mabuhay po kayo mga Mam at Sir
Good job po PNP!
Good job PNP.
Great Job PNP
Great Job PNP❤️
Panalo talaga ang ginagawa ng PNP❤
Good job
Maraming salamat PNP sa patuloy na pagsuporta sa ating mga mamayan na nangangailangan. Pagpalain kayo ng Diyos.
Tunay ngang Ang kapulisan ay may pusong mapagmahal at serbisyong tapat sa mahal n bayan..mabuhay PNP
Saludo ang buong bayan sa malasakit at kabayanihan nyo