Monday, December 23, 2024

Permit To Carry Firearms Outside of Residence, suspendido sa tatlong probinsya sa Mindanao

Fort del pilar, Baguio city – Sinuspinde ng Philippine National Police (PNP) ang “Permit To Carry Firearms Outside of Residence” (PTCFOR) sa tatlong probinsya sa Mindanao matapos ang pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto-Adiong Jr. na ikinasawi ng tatlong mga escort nito sa bayan ng Maguing noong Biyernes, Pebrero 17, 2023.

Ayon sa ulat, sinuspinde ang PTCFOR sa mga sumusunod na lugar, Maguindanao, Lanao del Sur, at sa 63 barangay ng North Cotabato, na nasa ilalim ng BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao).

Ayon sa Hepe ng Pambansang Pulisya, kailangan ang pagsuspinde sa PTCFOR upang isaalang-alang ang serye ng mga krimen sa mga lugar na ito at upang maiwasan ang paglala ng krimen o insidente ng pamamaril matapos ang naturang pananambang.

Ang isang inisyal na motibo na tinitingnan para sa pananambang ay “rido” o clan feuds, ngunit ang iba pang mga anggulo ay isinasaalang-alang, dagdag pa ng Chief PNP.

Samantala, kinondena naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang insidente ng pananambang na ikinasugat ni Adiong.

“Agad akong nagbigay ng direktiba sa PNP na magsagawa ng manhunt operations upang agad na mahuli ang mga suspek sa insidenteng ito (I immediately issued a directive to the PNP to conduct manhunt operations to immediately catch the suspects in this incident),” saad ni Sec. Abalos.

Nakiisa siya sa pamilya ng mga biktima at tiniyak na tinutunton ng buong kapulisan ng Lanao del Sur at mga karatig lugar nito ang mga salarin.
Inutusan din niya ang PNP na makipag-ugnayan sa mga yunit ng militar sa ground para tugisin ang mga suspek at alamin ang motibo sa likod ng pananambang.

Source: PNA.GOV.PH

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles