Nagsagawa ng Outreach Program ang mga tauhan ng PeƱablanca Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Rosemarie C Moreno, Deputy Chief for Operation ng PeƱablanca Police Station, Cagayan PPO sa mga Aeta sa Barangay Bugatay, PeƱablanca, Cagayan, noong ika-14 ng Pebrero 2025.
Katuwang sa aktibidad ang Regional Police Information Office (RPIO) at Regional Chaplain Service 2, sa pamamahagi ng mga pagkain at pagbibigay ng mga tsinelas sa mga aeta sa nasabing komunidad.


Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at komunidad at makapagbigay saya at tulong sa mga nangangailangan.
Binigyang din ng mga tagapag-organisa ang kahalagahan ng pagbuo ng magandang relasyon sa komunidad, lalo na sa mga estudyante, at ang pagsiguro sa mahusay at epektibong pagpapatupad ng Whole-of-Nation Approach, isang pangunahing estratehiya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy na nagpapakita ng dedikasyon sa pakikipag-ugnayan sa komunidad at sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa loob ng rehiyon.
Source: PeƱablanca PS
Panulat ni PMSg Joylyn Taccad