Nagsagawa ng Outreach Program ang PeƱablanca Police Station para sa komunidad ng mga katutubong Agta sa Barangay Bugatay, PeƱablanca, Cagayan nito lamang ika-17 ng Pebrero 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Rosemarie C. Moreno, Deputy Chief for Operations ng PNP PeƱablanca, katuwang ang Regional Police Intelligence Office (RPIO) at Regional Chaplain Service 2.

Sa programang ito, isinagawa ang feeding activity, pamamahagi ng pagkain at pagbibigay ng mga tsinelas sa mga miyembro ng Agta at maipadama sa kanila ang malasakit ng kapulisan.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng PNP at mga katutubo, at magdala ng kasiyahan at suporta sa mga nangangailangan.
Bahagi rin ito ng pagpapatupad ng Whole-of-Nation Approach ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na naglalayong isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa nasabing komunidad.
Source: PeƱablanca PS
Panulat ni Pat Leinee Lorenzo