Matagumpay na isinagawa ang Peace Covenant Signing na pinangunahan ng Arayat Municipal Police Station sa Arayat Sports Complex, Pampanga nito lamang Martes, ika-25 ng Pebrero 2025.
Maayos at organisadong natapos ang seremonya sa pangunguna ni Police Colonel Jay C Dimaandal, Provincial Director ng Pampanga Police Provincial Office, kasama ang mga kinatawan mula sa Arm Forces of the Philippines, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Commission on Elections (COMELEC), Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga sektor ng relihiyon bilang suporta sa adhikain ng mapayapang halalan.
Dinaluhan ito ng mga kandidato sa lokal at pambansang halalan sa darating na Mayo 12, 2025 na naglalayong tiyakin ang isang payapa, maayos, at patas na eleksyon sa bayan ng Arayat.


Sa nasabing aktibidad, lumagda ang mga kandidato sa isang kasunduan na sumisimbolo ng kanilang pangakong itaguyod ang patas at mapayapang eleksyon, iwasan ang anumang anyo ng karahasan, at igalang ang resulta ng halalan at aktibong nagpahayag ng panunumpa para sa mapayapang eleksyon.
Ang Arayat MPS sa mainit na pakikiisa ng lahat ng sektor sa isinagawang programa.
Ayon kay PCol Dimaandal, patuloy na ipapatupad ng PNP ang mahigpit na seguridad upang mapanatili ang kaayusan sa buong panahon ng eleksyon.