Camiguin – Nagsagawa ng Peace Covenant Signing and Candidates Briefing na idinaos sa Camiguin Convention Center, Brgy. Pandan, Mambajao, Camiguin nito lamang October 4, 2023.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Camiguin Police Provincial Office katuwang ang iba’t ibang sangay ng gobyerno.
Nasa 15 kandidato ng Mambajao Camiguin ang nakilahok sa naturang aktibidad.

Ang pagsisikap na ito ay naglalayong isulong ang kooperasyon ng mga kandidato na sumunod sa mga tuntuning itinakda ng Omnibus Election Code upang magkaroon ng tapat, maayos at mapayapang halalan.