Matagumpay na isinagawa ang Peace Covenant at Solidarity Pact Signing para sa 2025 National and Local Elections (NLE) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Election (BARMM PE) sa Grandstand ng Camp Col. Romeo Abendan, Barangay Mercedes, Zamboanga City nito lamang ng Pebrero 5, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan at lipunan, at naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Atty. Renault C. Macarambon, COMELEC Regional Election Director.
Ang layunin ng aktibidad ay magtulungan upang matiyak ang isang mapayapa at maayos na eleksyon, kaya’t ang mga kasunduan ay sinusuportahan ng mga ahensya ng gobyerno, mga ahensyang pangseguridad, at mga sektor ng lipunan.
Nakiisa din ang Police Regional Office 9 sa pamumuno ni Police Brigadier General Roel C Rodolfo, Regional Director, kasama ang mga iba pang ahensya ng gobyerno, mga grupo ng relihiyon, mga miyembro ng media at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Ang mga kalahok ay nagkaisa upang magtulungan sa pagpapatibay ng seguridad at kaayusan sa panahon ng halalan, at upang matiyak ang kaligtasan ng mga botante at kandidato.
Ang Peace Covenant at Solidarity Pact Signing ay isang simbolo ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor sa pagpapalaganap ng kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon, at isang paalala sa lahat ng mga kandidato at botante na ang kanilang tungkulin ay magsagawa ng isang tapat at makatarungang proseso ng halalan.
Ang nasabing kasunduan ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapatibay ng tiwala at pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang matiyak ang malinis, tapat, at mapayapang proseso ng halalan sa Zamboanga Peninsula at sa buong rehiyon.
Panulat ni Pat Joyce Franco