Tuesday, November 26, 2024

PCol Pangan Jr, pinangunahan ang pagbisita sa iba’t ibang tanggapan ng COMELEC sa Zambales

Pinangunahan ni Police Colonel Ricardo S Pangan Jr, Provincial Director ng Zambales Police Provincial Office, ang pagbisita sa iba’t ibang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) bilang bahagi ng masusing hakbang para sa ligtas at maayos na isang linggong paghahain ng mga kandidatura mula Oktubre 1-8, 2024, para sa National and Local Elections (NLE) 2025.

Personal na bumisita si PCol Pangan Jr., sa mga tanggapan ng COMELEC sa nasabing probinsya, upang pangasiwaan ang seguridad at tiyakin ang kahandaan ng mga pulis na nakatalaga sa bawat lugar.

Kabilang sa naging hakbang ay ang pagsusuri ng mga posibleng banta at ang pagtiyak na sapat ang bilang ng mga pulis na handang rumesponde sa anumang hindi inaasahang insidente sa panahon ng paghahain ng kandidatura.

Binigyang-diin ni PCol Pangan Jr., ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na koordinasyon sa pagitan ng kapulisan at mga lokal na pamahalaan upang maiwasan ang anumang kaguluhan sa panahon ng paghahain at patuloy na pagmamanman sa mga aktibidad pampulitika upang mapanatili ang kapayapaan para sa mga kandidato at publiko.

Ang naturang inisyatibo ay upang masiguro ang mapayapang proseso ng halalan sa probinsya ng Zambales, na may layuning bigyang proteksyon ang mga karapatan ng bawat mamamayan sa demokratikong proseso.

Panulat ni Pat Lixen Reyz A Saweran

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles