Personal na binisita ni Police Colonel Franklin P Estoro, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, ang mga nakatalagang PNP personnel sa polling center ng Mapulang Lupa Elementary School, Barangay Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan nito lamang Sabado, ika-10 ng Mayo 2025.
Ayon kay PCol Estoro, isinagawa ang nasabing pagbisita upang matiyak ang kalagayan at kapakanan ng mga pulis na naka-duty para sa halalan, gayundin upang suriin ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa mga lugar ng botohan.



Dagdag pa niya, patuloy ang suporta ng Bulacan Police Provincial Office at nakahandang tumugon sa anumang insidente at patuloy na nakikipag-ugnayan sa Commission on Elections (COMELEC) at iba pang ahensya ng gobyerno upang masigurong maayos ang daloy ng halalan sa buong lalawigan.
Hinimok din nito ang publiko na gampanan ang kanilang karapatang bumoto at makiisa sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa panahon ng halalan, at nanawagan sa lahat na sundin ang mga itinakdang batas at regulasyon upang mapanatili ang kaayusan ng halalan ngayong 2025.
Panulat ni Pat Mildred A Tawagon