Ipinagdiwang ng mga miyembro ng Police Community Affairs and Development Group ang ika-32 taong anibersaryo sa pamamagitan ng simpleng programa na ginanap sa Bulwagang Lapu-lapu, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City bandang 10:00 ng umaga nito lamang Biyernes, Agosto 16, 2024.
Ang tema ng naturang selebrasyon ay “Ugnayang Pulisya at Sambayanan Hatid ay Ligtas at Maunlad na Lipunan sa Bagong Pilipinas” at panauhing pandangal si Police Lieutenant General Michael John F Dubria, The Deputy Chief, PNP for Operations.
Sa nasabing programa, nagpasalamat si Police Brigadier General Restituto B Arcangel, Director ng PCADG, sa lahat ng kaagapay at kataguyod ng naturang unit upang mas maging mabisa sa pagpapalaganap ng tiwala at suporta ng komunidad sa lahat ng aktibidad at programa ng PNP. Binati rin nito ang mga awardees na nagsumikap upang magampanan ang kanilang mga tungkulin.

Naging makulay ang naturang anibersaryo sa pagpapakita ng talento sa pagkanta sa itinanghal na Champion sa Online Awitan Challenge 2024 na si Ms. Moira Jecah C Reyes, na kinatawan ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 1.
Binigyang parangal ang mga napiling Individual Awardees na sina Police Colonel Joel T Ada, Best Senior PCO for Administration; Police Lieutenant Colonel Lorvinn A Layugan, Best Junior PCO for Administration; Police Colonel Efren L Fernandez II, Best Senior PCO for Operation; Police Captain Nomer B Macaraig, Best Junior PCO for Operation; Police Senior Master Sergeant Vanessa C Villanos, Best Senior PNCO for Administration; Police Staff Sergeant Rey Boy B Abrea, Best Junior PNCO for Administration; Police Chief Master Sergeant Janice C Arenas, Best Senior PNCO for Operation; at Police Staff Sergeant Mercolito P Lovendino Jr., Best Junior PNCO for Operation.

Itinanghal naman na Non-Uniformed Personnel (NUP) of the Year si NUP Selah Marie L Sancho. Ang Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADUS) 3 ang nagwagi bilang Best RPCADU, na sinundan naman ng RPCADU 5, at RPCADU 4A at 7.
Binigyang parangal din si Police Executive Master Sargeant Jonathan F De Leon na nasungkit ang Loyalty Awardee; USEC Gilbert Cruz at Ms. Evelyn Barz bilang PNP-Kataguyod; TMAX Riders Incorporated bilang Stakeholders Awardee at Best Non-Government Organization (NGO) of the Year ang Vanguard Anti-Crime and Corruption Task Force, Inc.
Binigyang halaga at pagkilala ni PLtGen Dubria ang kahalagahan ng PCADG at RPCADUs sa lipunan at ang malaking kontribusyon nito sa mamamayan sa pamamagitan ng social media platforms upang itaas ang kamalayan at imahe ng organisasyon.
“Every policeman is a PCR officer. We constantly communicate, engage and to act with integrity in all our endeavors by strengthening our partners with the community, we can guarantee that we are not just enforcing the law, but also fostering an environment where every citizen feels valued and heard. Today, I also extend my heartfelt congratulations to all the awardees especially our dedicated PCADG personnel and our active institutional partners. Your relentless support and contributions have been vital in achieving the mission and vision of the PCADG. Your outstanding performance not only reflects your commitment to our shared goals but also serves as the beacon of excellence within the PNP organization. Let us work together, police officers, community leaders, and every member of society to achieve our common goal of a safe and prosperous nation. Thank you for your dedication! Together, we will continue to advance our mission of creating safer and more progressive society for all, as the mantra of PNP Chief Police General Rommel Francisco D Marbil: “Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!”, pahayag ni PLtGen Dubria.
Panulat ni PSSg Grace Neville L Ortiz