Thursday, January 23, 2025

PBGen Torre: ‘Makikita at makikita rin siya’

Mataas ang kumpiyansa ni Police Regional Office 11 Director Police Brigadier General Nicolas D. Torre III na mahahanap din nila si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) pastor Apollo Quiboloy sa patuloy na paghahanap ng kapulisan sa kanya sa compound ng naturang simbahan.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB kay PBGen Torre, sinabi ng heneral na nakasisiguro sila na nasa loob lamang ng isa sa mga gusali ng KOJC ang puganteng si Quiboloy na may iba’t ibang warrant of arrest kaugnay ng trafficking in person, child abuse, at iba pa.

Siniguro rin ni PBGen Torre ang kaligtasan ng mga sibilyan na nasa loob ng compound sa kabila ng isinasagawang operasyon ng kapulisan.

“Basta [hu]wag silang makialam sa ginagawa ng pulis, wala po tayong problema,” aniya.

Sa pangunguna ni Heneral Torre ay sinubukan muling ihain ng kapulisan ang mga arrest warrant ni Quiboloy bandang ikatlo ng umaga ng Agosto 24, 2024.

Ang KOJC compound kung saan sinasabing nagtatago si Quiboloy ay mayroong apatnapu’t dalawang (42) gusali na sasailalim sa pagsisiyasat; ang isa ay mayroong lapad na limang ektarya kung kaya’t kinailangan ni PBGen Torre ng malaking bilang ng kapulisan na sasapat upang maisagawa ang operasyon.

Samantala, hinimok din ni PBGen Torre na sumuko na si Quiboloy at huwag nang pahirapan ang kanyang mga tagasunod dala ng kanyang pagtatago mula sa kamay ng batas.

“Sana nama’y sumurender na siya.…pahihirapan niya pa ang mga supporters nya. Huwag na. Spare your supporters from this heartache and just get out and surrender yourself,” pahayag ng heneral nang hingian ng mensahe para sa wanted na pastor.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles