Tiniyak ang ligtas, maayos, at mapayapang halalan ni Police Brigadier General Leon Victor Z. Rosete, Regional Director ng Police Regional Office 11, nagkaroon ng serye ng inspeksyon simula noong Mayo 9, 2025, sa iba’t ibang COMELEC precincts at tanggapan ng pulisya sa rehiyon.
Sa bawat pagbisita, personal na sinuri ni PBGen Rosete, ang antas ng kahandaan ng mga police stations, ang disiplina ng mga tauhan, at ang pagsunod sa mga itinakdang Standard Operating Procedures (SOPs) ng PNP.



Kaniyang binigyang-diin na ang pagpapanatili ng pinakamataas na antas ng serbisyo publiko ay mahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan habang papalapit ang araw ng halalan at sa mismong araw nito.
Nananatiling matatag ang PRO 11 sa pagtupad sa mga ito, alinsunod sa direktiba ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil, na paulit-ulit na nagbigay-diin sa kahalagahan ng transparency, kahandaan, at matatag na ugnayan sa pagitan ng pulisya at komunidad bilang pangunahing sangkap ng matagumpay na eleksyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino