Isabela – Mainit ang naging pagsalubong ng mga Santiago Cops kay Police Brigadier General Percival A Rumbaoa, Regional Director ng PRO2, sa kanyang pagbisita bilang bahagi ng kanyang Sentimental Journey sa Santiago City Police Office noong ika-12 ng Hulyo 2023.
Sinalubong ni Police Colonel Tirso Manoli, City Director ng Santiago CPS, si PBGen Rumbaoa sa pamamagitan ng arrival honors.
Kasama sa mainit na pagsalubong ang lahat ng miyembro ng SCPO, Command Group at Staff.
Si PBGen Rumbaoa ay isa sa ipinagmamalaking miyembro ng PNPA Class of 1992 na tubong Cabatuan, Isabela na magreretiro nitong darating na ika-5 ng Agosto nitong taon.
Sa kanyang mensahe ay hinikayat at pinayuhan niya ang kapulisan ng SCPO na ipagpatuloy lamang ang tapat na paninilbihan sa bayan. Kanya ding binanggit ang panahon na nanilbihan siya sa naturang syudad bilang City Director noong 2018 at nabanggit niya na “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan” na ang ibig niyang sabihin ay huwag makakalimot kung saan nanggaling anuman ang marating ng isang pulis hanggang ito ay maging successful.
Kasunod namang isinagawa ang Ground Breaking Ceremony para sa gagawing SCPO Water Refilling Station at Consumers Cooperative Building kung saan katuwang ang City Mayor na si Atty Alyssa Sheena P Tan.
Naging matagumpay ang aktibidad at makikita ang galak ng SCPO Cops dahil sa mga proyekto na magagamit sa pagtupad ng tungkulin sa komunidad.
Source: Santiago City Police Office
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos