Binigyang pasasalamat ni Police Brigadier General Allan Nobleza, Regional Director ng PRO BAR, ang mga PNP personnel mula sa iba’t ibang Police Regional Offices na itinalaga bilang dagdag pwersa sa panahon ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao.

Personal na nagpasalamat sa mga tauhan ng 11th Special Action Battalion mula sa PNP Special Action Force na nakatalaga sa lugar ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office sa Simuay Old Capitol, Maguindanao del Norte noong ika-1 ng Nobyembre 2023 at sa parehong araw ay dumiretso Si PBGen Nobleza sa New Capitol Gymnasium, Marawi City upang ipaabot ang kanyang pasasalamat naman sa mga tauhan mula sa PRO 10, PRO 11 at PRO BAR Headquarters na naka-deploy sa mga lugar ng Lanao del Sur.

Nagpahayag din ito ng taos-pusong pasasalamat sa pwersa ng Regional Mobile Force Battalion NCRPO noong ika-2 ng Nobyembre sa Datu Abdullah Sangki Gymnasium, Maguindanao del Sur, na naka-deploy sa mga lugar ng Maguindanao del Sur.

Sa ginanap na press briefing sa pamamagitan ng zoom, na dinaluhan ni Police General Benjamin Acorda Jr., Hepe ng Pambansang Pulisya, at mga Regional Directors ng lahat ng Police Regional Offices, pinuri ni PNP Chief Acorda Jr ang PRO BAR dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng BSKE 2023 sa buong rehiyon ng Bangsamoro, ito ay dahil sa pagsisikap at paghahanda sa seguridad na ginawa ng PRO BAR bago pa man magsimula ang naturang halalan.
“This is actually an heroic act, Hindi ito matutumbasan ng kahit na anong bagay, words are not enough to express my appreciation and thanks to each and everyone of you” ani PBGen Nobleza.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz