Nagsagawa ng kanyang kauna-unahang command visit si PBGen Jess B. Mendez, Director ng Police Regional Office 3, sa Aurora Police Provincial Office (PPO) noong Marso 17, 2026 sa Camp Ravina, Baler, Aurora.
Bahagi ng pagbisita ang pangunguna ni PBGen Mendez sa Turnover of Office Ceremony na sumisimbolo sa maayos na pagpapatuloy ng pamumuno at katatagan ng hanay ng kapulisan sa lalawigan.
Kasabay ng seremonya, pinasinayaan at binasbasan din ang Heroes Wall at ang bagong Aurora PPO Gate. Ang mga proyektong ito ay kumikilala sa kabayanihan at sakripisyo ng mga pulis, habang ipinapakita rin ang patuloy na pag-unlad at modernisasyon ng pambansang pulisya.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Regional Director ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Aurora, lalo na’t patuloy itong umuusbong bilang isang pangunahing destinasyon ng turismo. Ayon sa kanya, mahalaga ang aktibong presensya at kahandaan ng kapulisan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at bisita.
Sa makabuluhang pagbisita ni PBGen Mendez, patuloy na pinatitibay ng PNP ang tiwala ng publiko at ang kanilang mandato na maglingkod at itaguyod ang kapayapaan sa rehiyon.
Source: PRO 3



