Laguna – Pinangunahan ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Acting Regional Director ng PRO CALABARZON ang pagbisita at pag-inspeksyon ng mga iba’t ibang polling precincts at police stations ng CALABARZON kaugnay sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023 nito lamang Oktubre 30, 2023.
Kinausap ni PBGen Lucas ang mga kapulisang nakatalaga sa iba’t ibang polling precincts para magbigay paalala ng kaligtasan at seguridad sa pagganap ng tungkulin at sundin ang mga umiiral na patakaran at alituntunin sa pagsagawa ng mga aksyon tungkol sa mga insidente na may kinalaman sa halalan.

Dagdag pa dito, siniyasat din ni PBGen Lucas ang mga kakayahan at kagamitan ng lahat ng kapulisan na nakatalaga sa mga polling precinct partikular sa “Tamang Bihis”.
Samantala, nagsagawa din ang mga miyembro ng Command Group at Regional Staff ng pagbisita at pag-inspeksyon sa iba’t ibang police stations, PNP/AFP COMELEC Checkpoints, Police Assistance Desk (PADS) at iba pang deployment area at namigay ng flyers upang matiyak ang kahandaan at kakayahan ng mga tropa na tumugon sa anumang halalan.

“Generally everything is running smooth and we are on top of the situation. We will continuously be monitoring the election to ensure a peaceful, credible and successful elections. I urged the public to report any untoward incident to their authorities. To all the constituents of CALABARZON, rest assured that all personnel of PRO 4A will not engage in any political activities and will remain non-partisan,” pahayag ni PBGen Lucas.
Source: Police Regional Office 4A Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin