Cagayan de Oro City – Personal na pinangunahan ni Police Brigadier General Ricardo Layug Jr, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang Oath-Taking Ceremony ng 300 Newly Appointed Patrolman and Patrolwoman para sa CY 2023 Attrition Recruitment Program na ginanap nito lamang umaga ng Martes, Nobyembre 28, 2023 sa Parade Ground Camp 1 Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City.
Ang 300 nanumpang bagong police recruits ay dumaan sa masusing proseso gaya ng Body Mass Index, Physical Agility Test, Neuropsychiatric Examination, Physical, Medical and Dental Examination, Drug Test, Comprehensive Background Investigation at Final Board Interview.
Ang naturang recruits ay sasailalim sa isang taong pagsasanay para sa Public Safety Basic Recruit Course at Public Safety Field Training Program na pangangasiwaan mula sa hanay ng mga Tagapagsanay ng naturang Rehiyon.
Ito din ay dinaluhan ng PRO 10 Command Group, ilang ahensya ng pamahalaan, at kanilang mga mahal sa buhay ng mga recruits.
“This oath-taking ceremony signals the onset of a life dedicated to public service. You underwent a rigorous selection process, emerging as part of the 300 selected out of 1,772 applicants in the region. Everything you do during training has consequences, every police officer must obey the law while enforcing it,” pahayag ni PBGen Layug Jr.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris