Nagpakita ng malasakit at suporta si Police Brigadier General Lou F. Evangelista, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 1, noong ika-20 ng Enero 2025, sa mga kawani ng PNP na kasalukuyang naka-confine sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC).
Kasama si Police Major Arnulfo E. Fraga Jr., Regional Pastoral Officer, at Police Executive Master Sergeant Regin Rosido, Regional Social and Pastoral Officer (RESPO), personal nilang binisita ang mga pulis na nangangailangan ng tulong.
Bukod sa kanilang moral support, nagpaabot din sila ng tulong pinansyal bilang suporta sa patuloy na paggaling at pagbangon ng mga pulis mula sa kanilang karamdaman.
Layunin ng ganitong aktibidad na maipadama ang suporta ng PRO 1 sa kanilang mga kasamahan sa serbisyo na dumaranas ng hamon sa kalusugan.
Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng tunay na diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa hanay ng kapulisan, alinsunod sa adhikain ng kapulisan na palaging iprayoridad ang kapakanan ng kanilang mga miyembro.
Source: PIO PRO1
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan