Monday, November 25, 2024

PBGen Estomo, nanguna sa Individual Commander’s Evaluation Rating Sa Buong Bansa na mayroong 94.64% na grado

Sa isinagawang Regional Directors nationwide in Individual Commander’s Evaluation Rating (ICER) ng NHQ, Camp Crame, si PBGen Jonnel C Estomo, Regional Director ng PRO5, ang siyang nakatanggap ng pinakamataas na rating para sa buwan ng Agosto 2021.

Mula sa 17 rehiyon sa buong bansa, si PBGen Estomo ang nanguna at siyang nabigyan ng pinakamataas na grado na 94.65%.

Sa kanyang panunungkulan bilang Regional Director ng PRO5, tiniyak ni PBGen Estomo ang paghahandog ng extraordinaryong serbisyo na nakikita, nararamdaman at napapahalagahan ng bawat Bicolano.

Sa loob lamang ng limang buwan na paninilbihan, kaagad na nakitaan ng pagbabago sa pagtanggap ng komunidad sa mga programa at inisyatibo ng PNP Bicol. Ito ay naging dahilan ng patuloy na pagtaas ng tiwala ng publiko sa kapulisan at pagbaba ng kriminalidad sa buong rehiyon.

Sa gitna ng pandemya, ipinakita rin ni PBGen Estomo ang pagnanais na matugunan ang pangangailangan ng nakararami. Kanyang pinalakas ang ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa pagkakabuklod-buklod at pagtataguyod ng isang mapayapa, ligtas at tahimik na komunidad.

Ang ICER ay mula sa pinagsamang puntos ng Performance Evaluation Rating (UPER) (60%), Directorial Staff Aptitude Rating (25%) at Focus Directives (15%).

Ang nasabing pamantayan ay naglalayong sukatin ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga lider ng PNP sa buong rehiyon upang masiguro ang pagtupad nito sa tungkuling protektahan ang bawat miyembro ng lipunan.

“Nais ko po na ipaabot ang aking taos pusong pasasalamat sa buong hanay ng PNP sa Bicol sa kanilang ipinakitang suporta sa mga programang ating inilulunsad na siyang naging dahilan para makamtan po natin ang karangalang ito. Lubos po akong nagagalak sa tagumpay na ito. Makakaasa po kayo, kasama ko ang Kasurog Cops sa pagpapatuloy ng aking nasimulan para sa mas ligtas, mapayapa at progresibong rehiyon”, ani PBGen Estomo.

Article From: Kasurog Bicol

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles