Bumisita sa Police Regional Office Cordillera ang Director ng Police Community Affairs and Development Group na si Police Brigadier General Restituto B Arcangel nito lamang ika-28 ng Mayo 2024.

Sa kanyang pagdating ay malugod siyang sinalubong ng Police Host na si Police Colonel Louisito B Meris, Chief ng Regional Police Community Affairs and Development Unit Cordillera sa pamamagitan ng isang Traditional Cordilleran Dance.
Bilang bahagi ng kanyang pagbisita ay nag-Courtesy Visit siya kay PRO Cordillera Regional Director, Police Brigadier General David Peredo Jr at nagkaroon ng pulong-pulong kasama ang ilang Regional Staff, dating Regional Director ng PRO Cordillera, na si Retired Police Chief Superintendent Rolando Nana.

Dagdag pa rito ay nagkaroon din ng programa kung saan kanyang binigyang parangal ang mga tauhan ng RPCADU Cordillera para sa kanilang dedikasyon sa mga Police Community Relations activities na ginanap sa probinsya ng Benguet at Kalinga.
Sa kanyang mensahe ay kanyang binigyan diin ang kahalagahan ng Police Community Relations bilang pagsuporta sa katahimikan at kaayusan ng ating komunidad.
Pinasalamatan din niya ang mga miyembro ng mga Advocacy Support Groups na walang sawang sumusuporta sa mga programa ng Pambansang Pulisya.
Panulat ni Pat Febelyne Codiam