Monday, May 5, 2025

PBBM, pinuri ang kapulisan, kinilala ang lideratong Marbil

Ipinabatid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos, Jr. sa kanyang talumpati ang kanyang papuri sa dedikasyon ng pambansang pulisya na maglingkod at mapanatiling ligtas ang pamayanan, gayundin ang kanyang pagkilala sa magandang pamumuno ni Police General Rommel Francisco Marbil.

Sa katatapos lang na programa kaugnay ng pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Philippine National Police, sinabi ng pangulo na kanyang kinikilala ang kapulisan sa kanilang mga gawain para lamang mapanatiling ligtas ang sambayanan.

“I acknowledge the strong determination of our police to maintain peace, security, and harmony in our beloved country,” saad ng pangulo habang gumuguhit ang mga ngiti sa mga labi ng mga nakapakinig.

Bukod sa papuri para sa kapulisan bilang kabuuan, kinilala rin ng Pangulo ang mahusay na pamumuno ng CPNP sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

“I salute all the officers and personnel of the PNP under the current leadership of Police General Rommel Marbil. His tenure…has been filled with noteworthy reforms and achievements that we can proudly present to the Filipino public,” aniya habang iniisa-isa ang mga malalaking tagumpay ng PNP laban sa kriminalidad.

“The PNP has intensified its patrol operations and increased police deployment, contributing to a notable drop in crime rates, particularly in what was (sic) formerly crime-prone areas…the police has responded to nearly all or… 99% of the calls for police assistance.”

Ibinida rin ng Pangulo ang pagkakatatag ng PNP Cybersecurity Operations Center na binuo upang palakasin ang kakayanan ng kapulisan sa cyber patrolling at cybersecurity, at magiging daan upang mas maayos na mapangasiwaan ang mga kaso hinggil sa mga cybercrime.

Isa rin sa mga nagmarkang tagumpay sa ilalim ni Heneral Marbil na nabanggit ng Pangulo ay ang pagpapalakas ng mga pamamaraan kontra ilegal na droga, smuggling (pagpupuslit) at iba pang uri ng kriminalidad na hindi lamang epektibo, bagkus ay legal din.

“Indeed, police operations are now conducted as humane, as truthful, and as bloodless as possible,” sambit ng Pangulo.

Inilahad ng Pangulo na dahil sa pakikipagtulungan ng PNP sa sandatahang lakas ay nagapi ang 1,951 miyembro ng local communist terrorist groups.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, ipinaalala ng Pangulo sa punong pulis na sa kanyang balikat nakasandig ang karangalang pamunuan ang “paradigm shift” patungo sa kundisyon kung saan ang kapulisan ay hindi kinatatakutan, bagkus ay malugod na tinatanggap sa mga pamayanan, at ang pamayanan ay nakikipagtulungan sa kapulisan dahil sa pagtitiwala at hindi dahil sa bulag na pagsunod.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles