Makati City — Umarangkada ang Patrol Kusina at Project Juana ng Makati PNP sa mga residente ng Makati nito lamang Huwebes, Abril 7, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Colonel Harold Depositar, Chief of Police ng Makati City at sa pangangasiwa ni PMaj Angelbert Alan, Chief, SCAS.
Bandang alas-10:00 ng umaga ay nagsagawa umano ng Patrolling Kusina (Breakfast – Rice, fried Bangus, and Mineral Water) ang mga tauhan ng Makati City Police Station sa mga residente ng Pagkakaisa St. Brgy Kasilawan.
May kabuuang 100 indibidwal/benepisyaryo ang nakinabang sa aktibidad.
Samantala, sa Project Juana naman ay nag-lecture ang Community Affair Section tungkol sa iba’t ibang batas at isyu na may kinalaman sa mga karapatan at pribilehiyo ng kababaihan.
Ang aktibidad na ito ay simpleng handog ng pulisya upang makapag-bigay ng pag-asa sa ating mga kababayan at magpatuloy pa rin sa buhay sa gitna ng pandemya.
Kaya tiniyak ni Colonel Depositar na ang Makati PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng ganitong mga aktibidad para mas maparami pa ang kanilang matulungan.
###
Serbisyo publiko talaga ang mga kapulisan