Monday, November 18, 2024

Pag-uwi ng bangkay ng terorista NPA, isinaayos sa Zamboanga Del Norte

Matagumpay na narekober ng Joint Retrieval Team na binuo ng 97th Infantry “KALASAGLAHI” Battalion (IB) troopers, Sergio Osmeña Sr. Municipal Police Station at Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Macalibre, Sergio Osmeña Sr., ang inabandunang bangkay ng isang babaeng miyembro ng Communist Terrorist Group sa Purok 4, Barangay Macalibre, Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte noong Disyembre 4, 2021.

Disyembre 1 hanggang ika-3, nagkaroon ng sunud-sunod na sagupaan sa pagitan ng pinagsamang elemento ng 97IB at 42IB laban sa Guerilla Front Big Beautiful Country (GF BBC) ng Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC) ng CTG sa kabundukan ng Polanco at Sindangan, Zamboanga del Norte.

Ayon kay Brig. Gen. Leonel Nicolas, Commander ng 102IB, ang napatay na NPA ay si Daisy Jane Cimafranca alyas Raquel/Miggy, miyembro ng GF BBC ng WMRPC ay nasugatan sa isa sa mga engkwentro, at sa halip na mabigyan ng agarang atensyong medikal ay iniwan pa ng kaniyang mga kasamahan.

Sa retrieval operation ay nakipag-ugnayan ang 97IB at Sergio Osmeña MPS sa Barangay Council ng Macalibre. Ang BLGU ng Macalibre sa pangunguna ng kanilang Barangay Captain na si Nestor B. Quirog ay agad na tumungo sa lokasyon ng bangkay.

“Dito sa aming barangay, ayaw namin sa mga teroristang grupo, kaya ang mga tao rito ay kaagad na nagbibigay ng impormasyon sa mga sundalo at pulis kung mayroon kaming nakikitang kaduda-dudang grupo sa aming lugar. Hanggat kaya namin, tutulong kami sa kasundaluhan at kapulisan para maiwasan ang gulo na dala ng mga teroristang grupo”, saad ni Quirog

Dinala ang bangkay ni Daisy Jane sa Sergio Osmeña Sr. Rural Health Unit (RHU) kung saan ang mga imbestigador mula sa Scene of the Crime Operative (SOCO) at RHU personnel sa pangunguna ni Dr. Mike Justine Gianan ay nagsagawa ng post mortem services.

Sa tulong ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng Municipal Local Government Unit ng Macalibre, ay sasagutin ang gastos sa pagturn-over ng katawan sa pamilya hanggang pagbibigay ng disenteng pagpapalibing kay Daisy Jane na ipinagkait sa kanya ng teroristang grupo.

######

Panulat ni: NUP Sheena Lyn M Palconite

2 COMMENTS

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles