Candelaria, Quezon – Arestado ang isang suspek matapos mahulihan ng patalim at ilegal na droga sa isinagawang Oplan Sita ng Candelaria PNP nito lamang Miyerkules, Agosto 10, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Tyrone Valenzona, Acting Chief of Police ng Candelaria Municipal Police Station, ang suspek na si Ryan Tejano Bacay, alyas “Dodong”, 37, tricycle driver, residente ng Lanete St., Brgy. Pahinga Norte, Candelaria, Quezon.
Ayon kay PLtCol Valenzona, bandang 6:10 ng gabi naaresto ang suspek sa Candelaria By-Pass Road, Brgy. Malabanban Sur, Candelaria, Quezon ng mga tauhan ng Candelaria MPS.
Ayon pa kay PLtCol Valenzona, pinara ng pulisya ang suspek lulan ang tricycle na minamaneho upang beripikahin ang dokumento ng sasakyan subalit pinaharurot nito dahilan upang habulin siya.
Narekober sa suspek ang isang pirasong tactical knife at dalawang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 ng Batasang Pambansa 6 o Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapons and for other purposes at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy na magsasagawa ang Candelaria PNP ng operasyon upang masiguro na ligtas, maayos at payapa ang komunidad.
Source: Quezon Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon