Monday, November 25, 2024

Passport appointment scam sa Facebook, iniimbestigahan ng PNP

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na imbestigahan ang nai-uulat na passport appointment scam sa Facebook.

“Nakarating sa amin ang paghingi ng tulong ng Department of Foreign Affairs tungkol sa laganap na pagbebenta ng passport application appointment slots sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Facebook. Dahil dito, inatasan ko na ang ating Anti-Cybercrime Group na imbestigahan at magsagawa ng mga kaukulang operasyon upang mahuli at mapanagot ang mga taong nasa likod nito. Hindi natin papayagan na pagkakitaan pa ang ating mga kababayan lalo na ang mga OFWs dahil sa hirap ng buhay ngayon na dulot ng hinaharap nating pandemya,” giit ni PGen Eleazar.

Inilabas ng hepe ang direktiba matapos humingi ng tulong si DFA Undersecretary Brigido Dulay sa PNP at National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy at mahuli ang mga taong nasa likod ng Facebook pages at groups na nagbebenta ng passport appointment sa mga aplikante.

Una ng sinabi ng DFA na libre ang appointment sa lahat ng consular services.

Hiniling din ng DFA sa Facebook na tukuyin at tanggalin ang mga naturang accounts upang matigil na ang kanilang pambibiktima.

Samantala, nanawagan si PGen Eleazar sa publiko na huwag tangkilikin ang mga inaalok sa social media at agad isumbong sa awtoridad ang mga iligal na gawain.

“Nililinaw po natin sa ating mga kababayan na libre ang passport appointment at hinihikayat natin sila na huwag tangkilikin ang ganitong uri ng modus. Magtulungan tayo upang tigilan ang ganitong uri ng pagsasamantala sa ating mga kababayan,” ani PGen Eleazar.

Hinimok ng hepe ang mga nabiktima ng naturang scam na maghain ng reklamo sa pamamagitan ng PNP E-SUMBONG.

Photo Courtesy: pna.gov.ph

#####

Article by Police Corporal Josephine T Blanche

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles