Tuesday, December 24, 2024

Paskuhan sa Kampo Crame 2022, naging matagumpay

Quezon City – Naging makabuluhan ang isinagawang paskuhan sa Camp Rafael T. Crame, Quezon City nito lamang Martes, Disyembre 13, 2022.

Ang programa ay masugid na pinangunahan ni PNP Chief, Police General Rodolfo S Azurin, Jr., katuwang ang PNP Command Group, at Directors ng iba’t ibang opisina na masaya namang dinaluhan ng mga dependents ng ating mga kapulisan.

Ang paskuhan sa Kampo Crame 2022 ay may temang: “Pasko ng Pagkakaisa, Handog ay Malasakit, Kaagapay ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan”.

Umaga pa lamang ay nag-uumapaw na ang kaligayahan ng mga batang dumalo sapagkat napakaraming palaro ang kanilang nasalihan, sagana din sa mga papremyo at pagkain na puwedeng pilahan ng mga ito.

Tampok rin sa naturang aktibidad ang Christmas Raffles na talaga naman inabangan ng lahat ng mga dumalo at nakisaya sa programa, maging ang mga intermissions number na talagang nagpaindak at nagpasaya sa bawat isa.

Ang taunang paskuhan ay isinasagawa upang maipadama sa ating mga kapulisan maging sa kanilang mga anak at asawa ang tunay na diwa ng kapaskuhan sa kabila ng kabi-kabilang suliranin na pilit tinutugunan ng ating Pambansang Pulisya.

Ang tamis ng ngiti at higpit ng mga yakap ng bawat pamilyang dumalo ay sumisimbolo sa saya at galak na kanilang natamasa sa aktibidad.

Hiling naman ng Hepe ng Pambansang Pulisya na lahat tayo ay magkaroon ng isang ligtas, masayang pasko at masaganang pagsalubong sa taong 2023 sa tulong na rin ng serbisyong may malasakit ng ating kapulisan.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles