NAIA Terminal 4 — Arestado ang isang pasahero sa airport matapos dumaan sa security screening process at magtago ng baril sa ilalim ng kanyang underwear nito lamang Lunes, Setyembre 12, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Anthony Aberin, Acting Director ng AVSEG, ang suspek na si Michael Montanez y Namatay, 40 anyos, at isang fruit vendor.
Ayon kay PCol Aberin, bandang alas-3:40 ng umaga ng maaresto si Montanez ng mga tauhan ng Aviation Security Unit-NCR sa Private Screening Checkpoint Area (PSC), NAIA Terminal 4, Pasay City pagkatapos nitong dumaan sa final screen ng naturang paliparan.
Nakumpiska sa suspek ang isang caliber .22 na may apat na bala na itinago nya sa ilalim ng kanyang underwear.
Sa pahayag naman ng suspek, ang nakumpiskang baril ay ibinigay raw sa kanya ng isang kaibigan.
Tiniyak naman ni PCol Aberin na masusing iimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente lalo na ang suspek at ang nahuli sa kanyang baril at bala upang malaman ang pagkakakilanlan nito at kung ito man ay posibleng nagamit sa krimen, nang sa gayo’y magkaroon ng kaayusan, kapayaan, at kaunlaran saang dako man ng bansa.