Pasay City – Timbog ng mga operatiba ng PNP Aviation Security Group at Bureau of Immigration ang isang suspek sa Arrival Area ng NAIA Terminal 1, Pasay City nitong ika-17 ng Abril 2023.
Kinilala ang suspek na si Dan F Mortel, Filipino, US Citizen, 56, may asawa, HBAC Technician, at paparating na pasahero ng Philippine Airlines sa Flight No. PR 103 mula Los Angeles, USA, na kasalukuyang naninirahan sa No. 2548 Tolentino Street, Pasay City.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Grave Coercion at Robbery at kasalukuyang nasa kustodiya na ngayon ng PNP AVSEU NCR, NAIA Police Station 1 para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Patuloy ang pagpapaigting ng seguridad ng Aviation Security Group upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa bawat paliparan.