Pinangasiwaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pormal na panunumpa sa katungkulan ni Police General Dionardo B Carlos bilang bagong Hepe ng Pambansang Pulisya sa MalacaƱang Palace noong Nobyembre 17, 2021.
Sa isang simpleng seremonya, si Pangulong Duterte ang naglagay sa rank insignia ni PGen Carlos.
Si PGen Carlos ang pumalit kay dating PNP Chief, PGen Guillermo Lorenzo T Eleazar (Ret.) matapos nitong maabot ang mandatory retirement age na 56 noong Nobyembre 13.
Dumalo rin sa donning of rank and oath-taking ceremony sina DILG Secretary Eduardo M AƱo, PNP Adjutant PBGen Belli B Tamayo, Senator Christopher Lawrence āBongā T Go, at mga kaanak ni PGen Carlos.
#####
Panulat ni: Police Corporal Josephine T Blanche
Congratulations, Sir!
Congrats Sir
Congratulations to the 27th Chief of the Philippine National Police:)
Congrats Sir!