Monday, October 21, 2024

Pangkabuhayan showcase, inihandog ng 1st Northern Samar PMFC sa isang mangingisda

Northern Samar – Masayang inihandog ng mga tauhan ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company ang isang pangkabuhayang showcase sa isang huwarang ama sa Northern Samar na pinangunahan ni Police Major Norman Kiat-ong, Force Commander bilang pagdiriwang sa Araw ng mga Ama nitong ika-18 ng Hunyo 2023.

Ang napiling benepisyaryo ay si Lorenzo Tenebroso Cisneros Jr, 37, residente ng Brgy. Chitongco, Mondragon, Northern Samar na mag-isa na lamang nitong itinataguyod ang dalawang anak.

Hindi naging madali ang kanyang pamumuhay ngunit kailanman ay hindi niya sinukuan ang pag-aaruga at pagpapalaki sa kanyang mga anak sa kabila ng kanyang hanapbuhay bilang isang mangingisda. Hindi sapat ang kanyang kinikita upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak lalo na kung masama ang panahon at hindi sila nakakapagpalaot.

Ngunit hindi naging hadlang kay Tatay Lorenzo ang kahirapan bagkus ay lalo niyang pinag-igihan na maitaguyod ang kanyang mga anak lalo na noong kasagsagan ng pandemya na lubos na nakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan.

Dahil dito, napagpasyahan ng mga tauhan ng 1st NSPMFC na bigyan siya ng Father’s Day Gift, ang “Hatid Regalong Pangkabuhayan”, upang magsilbing karagdagang pagkakakitaan niya dahil na rin sa ipinapakita niyang katapangan at dedikasyon sa pagiging isang huwarang ama.

Labis ang tuwa ni Tatay Lorenzo at laking pasasalamat sa mga kapulisan sa ibinigay na regalo sa kanya.

Ang “Regalong Pangkabuhayan” ay isa sa mga Best Practices ng 1st NSPMFC na naglalayong tulungan ang ating mga kababayan na may determinasyon sa buhay sa kabila ng kahirapan at labis na naapektuhan ng pandemya.

Mensahe ni PMaj Kiat-ong, “Ngayong Araw ng mga Ama, nawa’y magbigay ito ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga kababayan, lalo na sa mga dakilang ama na patuloy na itinataguyod ang kanilang mga anak sa kabila ng hirap ng buhay”.

“Ang PNP ay handang tumulong hindi lang sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng ating lipunan kundi layunin din naming tulungan ang ating mga kababayan na hirap sa buhay. Nawa’y magsilbi itong hakbang na muling buhayin ang serbisyong nagkakaisa sa ating bayan,” dagdag pa niya.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles