Sunday, November 24, 2024

Pangingikil ng NPA sa mga tatakbong pulitiko sa halalan, bantay-sarado ng PNP

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang lahat ng police office at units na bantayan at pigilan ang pangingikil ng New People’s Army (NPA) sa panahon ng eleksyon.

Una nang nagbabala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga rebeldeng komunista at political warlords na huwag guluhin ang national at local elections sa susunod na taon. Dapat aniya na pigilan ang mga miyembro ng NPA na nangongolekta ng “permit-to-campaign” fees mula sa mga pulitiko.

“Inaatasan ko ang ating kapulisan na siguraduhing hindi makakaporma itong mga NPA sa kanilang mga extortion activities. Inaasahan na natin na sasamantalahin ng mga ito ang panahon ng eleksyon para makapangikil sa mga tatakbo sa darating na halalan,” pahayag ni PGen Eleazar.

“Nagpapaalala rin ako sa mga kakandidato na huwag patulan itong ilegal na gawain ng mga rebeldeng komunista. Sama-sama nating siguraduhin na maging malinis at maayos ang eleksyon sa susunod na taon,” dagdag pa niya.

Tiniyak din ni PNP Chief na mananatiling naka-alerto at magbabantay ang mga kapulisan hanggang sa matapos ang eleksyon.

“Mahigpit naming babantayan simula ngayong filing ng COCs, panahon ng kampanya, aktuwal na botohan, hanggang sa proklamasyon ng mga nanalong kandidato,” ani PGen Eleazar.

Samantala, pinapurihan ni PGen Eleazar ang matagumpay na operasyon ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Martes, Oktubre 5, sa Sorsogon.

Nakumpiska sa naturang operasyon ang iba’t ibang war materials mula sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay PGen Eleazar, nananatiling isang malaking banta sa eleksyon ang CPP-NPA-NDF dahil inaasahan na muli silang mangunguna sa mga extortion activities mula sa mga tatakbong kandidato sa nalalapit na halalan.

Umapela din sa publiko ang hepe na makipagtulungan at agad i-report kung sakaling may presensya ng NPA o kriminal sa kanilang lugar upang agad na maaksyunan ng PNP.

Photo Courtesy: web.facebook.com/spear9ID

####

Article by Police Corporal Josephine T Blanche

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles