Saturday, November 23, 2024

Pangingikil at pagbabanta ng CTG iimbestigahan ng PNP

Ilang linggo lamang matapos ang national at local eleksiyon 2022 nakatanggap na naman ang pambansang pulisya ng reklamo at sumbong ukol sa di umano ay mga insidente ng pangingikil at pagbabanta ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG).

Nito ngang ika-18 ng Mayo hiniling ng Commission on Human Rights (CHR) sa PNP na imbestigahan ang mga umano’y miyembro ng CTG na nagtangkang mangikil ng pera sa mga regional office ng CHR. Ayon nga sa Executive Director ng CHR na si Jacqueline De Guia ang mga tanggapan ng komisyon, partikular sa Northern Mindanao at Soccskargen, ay nakatanggap ng mga banta mula sa mga indibidwal na nagpakilalang mga miyembro ng CTG.

Ayon kay CHR Executive Director De Guia, noong Mayo 11 ay nakatanggap ng tawag ang tanggapan ng CHR Soccskargen mula sa isang nag-papakilalang kumander ng CTG at humihingi ng Php8,000 para di umano sa kanyang sugatang kasama pagtapos nito ay humingi din ng tulong ng abogado mula sa CHR kasabay ng pagbabantang kilala di umano nito ang lahat ng miyembro ng CHR Soccsargen.

Sa kaparehas na araw, nakatanggap din ng tawag ang opisina ng CHR sa Northern Mindanao mula sa isang nagpapakilalang miyembro ng CTG na humihingi ng Php200,000 bilang tulong pinansyal. Nakatanggap din ang opisina ng tawag sa sumunod na araw mula sa isang taong may kaparehong boses na nagbanta sa isa sa mga imbestigador.

Bunsod nga nito, hiniling ng CHR ang tulong ng pambansang pulisya sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ukol sa mga insidenteng ito kasabay naman ng ikinakasang imbestigasyon ng CHR.

Bilang tugon, nagpahayag na ang mga awtoridad ng militar at pulisya na tutulungan ang CHR ng rehiyon 10 at 12 laban sa napaulat na pangingikil at pagbabanta ng mga personalidad na nagsasabing bahagi sila ng CTG.

Kaugnay nga nito, mariing kinokondena ng pamunuan ng PNP ang mga walang pakundangang gawaing ito ng pangingikil at pagbabanta laban sa CHR. Kaisa ng CHR  ang PNP sa panawagan sa anumang institusyon, pribado man o pampubliko at pati narin sa mga indibidwal na huwag sumuko at magbigay sa anumang anyo ng pangingikil at pagbabanta mula sa mga miyebro ng CTG o sinumang indibidwal o grupo.

Sa mga nakaraang eleksiyon, isa sa mahigpit na binabantayan ng PNP ang extortion activities ng mga rebeldeng komunista lalo na ang pangongolekta ng mga ito ‘permit-to-campaign’ na bayad mula sa mga pulitiko ngunit ngayon kahit tapos na ang eleksiyon ay meron parin silang mga extortion activity na ang biktima naman ngayon ay ang CHR.

Kayong mga miyembro ng CTG ang laging nagsasabi na ang mga kapulisan at kasundaluhan ang mga lumalabag sa karapatang pantao ngunit tila sa kumakailan laman na inyong ginawa na pagbabanta at pangingikil sa mismong tanggapan ng tagapagtaguyod ng karapatang pantao, sino kaya ang talagang nangunguna sa paglabag sa karapatang pantao? Ang mga pulis at sundalo na lagi ninyong patraydor na pinapatay?

Kayong mga terorista ay wala na talagang pinipiling panahon at biktima mapapribadong tao man o empleyado ng gobyerno, mapapribadong organisasyon man o pampublikong tanggapan pero ito lang natitiyak ko, sukdulan na ang galit ng mamamayang Pilipino sa walang pakundangang paghahasik ninyo ng kaguluhan sama-sama ang buong sambayanan upang tuluyan na kayong malupig at matigil na ang inyong kasamaan.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles